Tuesday, April 11, 2017

Kaibigan

Kaibigan

By: Tonio Sison

Sige sabihin mo na,
Okay lang, hindi ako masasaktan.
Sabihin mo na.

Nakikita ko naman sa iyong mga mata,
Sa mga ngiti mo habang ginagamit mo ang telepono mo.
Naririnig ko naman sa lahat ng sinasabi ng mga kaibigan mo.
Sa lahat ng kuwento mo rin, naririnig ko.

Naramdaman ko naman tuwing tayo'y magkasama,
At habang kinakausap kita.
Ganyan talaga...

Hindi ako tanga,
Alam ko na,
Hindi mo na kailangan itago sa akin,
Alam ko na siya ang gusto mo,
At sa mga mata mo,
Ako'y isang kaibigan lamang

1 comment: