Tuesday, April 11, 2017

Bukas

Bukas

By: Tonio Sison

Bawat sandali, bawat minuto,
Naghihintay, nagaalay.
Ang tunog ng mga baril,
Sumusugod,
Sumisigaw!

Umiilaw muli ang araw,
Nakikita na ang kinabukasan!
Binuksan ang prisinto,
Kaligayahan!

Nakamit natin
Ang kalayaang inaasahan.
Ngunit ito'y lumabas,
Ang tagal hinintay,
Subalit mabilis nawala sa ating kamay.

Tatlong daang, tatlumput tatlong taong lumipas,
Naging apat-na-put limang taon sa mga puti,
At sa hapon naging tatlo.
'Wag rin nating kalimutan ang dalawangput isang taon,
Na naranasan natin.
Abuso, paghihirap, kamatayan.

Ngunit sa wakas,
Nakarating tayo sa bukas.
Umabot tayo sa ating mga pangarap.

Bawat sandali, bawat minuto...
Tayong humihintay.
Ang sigaw at kanta ng kapayapaan,
Sing rami ring nagdalaw.

Nagkakapit-bisig habang nagdarasal,
Nakikita na ang kinabukasan.
Binuksan ang prisinto muli,
Kaligayahan sa lahat.

Nakamit natin
Ang kalayaang inaasahan.
Ngunit ito'y lumabas,
Ang tagal hinintay,
Subalit mabilis nawala sa ating kamay.

Ang tanong ko sa inyo,
May bukas pa ba,
Tayong maasahan?

1 comment: