Tuesday, March 28, 2017

Sana


Sana

By: Tonio Sison

Sana ako nalang,
Sana may nangyari pa.
Sana dito ka parin.
Sana ang aking kamay,
Ang hinahawak mo.
Sana yung yakap ko,
Ang iyong niraramdaman.

Sana ikaw parin,
Sana tayo.
Sana hindi ka umalis,
Sana hindi mo nalang pinili siya.
Sana…

Sinasabi ko sana,
Dahil iniisip ko sana.
Dahil ikaw,
Ikaw parin ang nasa puso ko.
Puso ko’y na tumitibok parin para sayo.
Ikaw parin ang hinahanap ko,
Hinahanap ko sa kanila.

Ngunit sa lahat ng sana,
Meron din rason kung bakit.
Bakit hindi tayo nagkatuluyan.
Bakit iniwan mo ako para sa kanya,
Nung alam mo na ikaw lang ang minahal ko.
At kung bakit,
Bakit hindi tayo nararapat para sa isa’t-isa

No comments:

Post a Comment