Monday, March 27, 2017

O Pag-ibig


O Pag-ibig

By: Tonio Sison


O pag-ibig bakit ganito?
Sa lahat ng tao sa mundo,
Bakit pinili mo ako?

Hindi ko maintindihan,
Kung bakit laging ganyan,
Na ako'y nasasaktan.

O pag-ibig bakit ganito?
Sa lahat ng babae nagustuhan ko,
Bakit siya lang ang nasa laman ng puso ko,
Puso kong lumiligaw.

Bigyan mo sana ako ng paraan!
Sagutin mo ang aking mga dasal!
O pag-ibig
Hindi kita malilimutan

No comments:

Post a Comment