Tuesday, December 5, 2017

Damdamin

Damdamin

Gawa ni Tonio Sison

Bakit.

Isang salita lamang
Ngunit napakalalim ang kahulugan
Bakit?
Tanong ng marami
Bakit?

Kailan.
Isang salita na may relasyon
Sa salitang hindi naiintindihan ng lahat.
Kailan?

Paano.
Isang salita na gusto natin alamin
Kahit na simple, komplikado pa din
Paano?

Sa lahat ng mga paano,
Mayroon ding bakit,
Sa lahat ng mga bakit,
Mayroon ding kailan.

Kailan magiging simple lang?
Bakit ganito?
Masaya pero takot harapin ang totoong kalagayan ng puso ko.
Paano kong sasabihin sayo ang tunay na damdamin ko?
Simple lang namang isipin
Pero mahirap lang sabihan
Mahal kita.

No comments:

Post a Comment